-
PROUD TO BE A SUBDOMER!!!
-
We will miss you SIR.
dear sir rojo,
thank you soo much for everything you taught us.
the lessons, the time, the workshops you’ve spent with us will surely be in our hearts. thanks for being part of my 2nd semester life in my second year in college.
I personally want to thank you for appreciating me and my talent.
I know you’re now with God in heaven.
we will miss you, see you soon sir. :)
And from all the people who has been touched by your wisdom and actions, may you always inspire us even beyond your earthly life… We believe you are now in the Father’s arms. All I can say personally, you have done a good job here on earth… We will miss you… =)
-
Venue: Angel’s Hideaway, Matina Aplaya, Davao City
Date: March 23, 2010
Credits to the people who were present during this sunrise event:
Levi Lloyd Baluso
Debbie Jane Estoista
Adrian Andre Alag (who actually took the photo)
John Angelo Obejero
Jolu Ezra Zamudio
at mga pahabol
kahit na SUPER late: Ianne Angel Aquino
at kahit ‘di naka-attend, pero nagpakain sa’min after: Robert Ezra Dillera
May you always treasure the sunrise’s magic in your hearts forever… =)
-
"What we see depends mainly on what we look for."
- John Lubbock -
Wishing I was still 7…
11 years na nga ang lumipas, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang mga panahong pitong taong gulang pa lamang ako…
1999 - huling taon ng milenyo. Nasa greyd 2 pa lamang ako noon. Tanda ko pa ang mga bagay na nagpapasaya sa akin ng mga panahong iyon. Tuwing umaga, bago pa man ako pumasok ng eskwela, tuwang tuwa ako kapag inihahanda na ng nanay ko ang mainit na tubig na ipampapaligo ko. Minsan, 2nd to the last ako kung maligo. Pero, kung susumpungin ako ang kuya ko, mas nauuna ako sa kanya.
Kapag nasa eskwelahan naman ako, madalas napag-uusapan, lalo na ‘pag lunes, ay kung ano ang naging episode ng “Wansapanataym” kagabi. Simula pa lang ng umaga, nagtitipon-tipon na kami upang pag-usapan kung ano na ang nangyari sa magtriplets na sina Rosario, Rosenda at Rosemarie sa “Saan ka man naroroon”, o kaya’y nagtatakutan sa mga ghost stories, lalung-lalo na kapag sinabi na ng kaibigan namin na totoo daw na nangyari ang episode doon sa “Oka Tokat”.
Sa tanghali, bago pa man magsimula ang aming unang subject sa hapon, nagtataguan na kami sa buong kampus o ‘di kaya’y naglalaro ng “Lupa, Langit, Impyerno”, kaya pag-ring ng bell, ‘ayun, sermon ang inabot namin, kesyo daw pawisan at amoy pawis na kami masyado.
Pagsapit ng hapon, bago pa man magpaalam ang Haring Araw, dalawa lang ang posible kong ginagawa niyan. Maaaring nakababad na ako sa TV, habang gumagawa ng assignments (at oo, sa bahay ko pa ginagawa ang mga assignments ko noon… take note, noon…), o kaya naglalaro ng Tennis o Circus Charlie sa Family Computer namin…
Hay naku, simple pa ang buhay noon… Wala ka gaanong inaalala… Ang tanging problema mo lang ay kung paano mo isosolve ang perimeter ng isang triangle… Walang hassle… Walang stress… Sana nga ay ganoon na lang ang buhay magpakailanman…
Pero, ilang taon man ang dumaan, ang pitong taong gulang na si Jefford ay hindi pa rin nawawala… Malamang ay ang dise-otso anyos ko lamang na pagkatao ang madalas ninyong makita, nakatago pa rin siya sa kaibuturan ng aking puso… Hindi na man siya ang nagmamay-ari ng mundong dati niyang kinalalagyan, muli, ang kanyang alala, at ang sayang idinulot niya ay mananatili, ilang dekada pa man ang lumipas…
